Hindi bababa sa 10 indibidwal ang nasawi sa silangang estado ng Bihar sa bansang India dahil sa kidlat, ayon sa mga lokal na opisyal nitong Biyernes, Hulyo 14.

Sa ulat ng Xinhua, nagkaroon ng malakas na pag-ulan na may kasamang kulog at kidlat sa estado ng Bihar noong Huwebes, Hulyo 13, na siyang naging sanhi ng insidente.

Karamihan sa mga naging biktima ay mga magsasaka na nasa bukid nang kumidlat ang lugar, ayon sa mga lokal na opisyal.

Noong nakaraang linggo, 12 indibidwal din umano ang nasawi habang may iba pang mga nasugatan dahil sa kidlat.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Samantala, noong taong 2022, 907 katao umano ang nasawi sa buong India dahil sa mga pagtama ng kidlat.