Isa si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach-Jauncey sa celebrities na tila nakagawa na ng kaniyang "Threads" account na itinapat ng Meta sa sikat na social media platform na "Twitter" ni Elon Musk.

Ani Pia, sana raw ay mas payapa sa nabanggit na socmed platform at wala nang magkalat na trolls.

"Finally a place where we can write down our thoughts and not get death threats for having an opinion," pahayag ni Pia sa kaniyang Threads account, na may rolling eye emoji.

"Hopefully Meta can keep this app troll-free!" dagdag pa niya.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Ibinahagi rin ng Miss Universe 2015 ang "worst experience" niya sa paggamit ng Twitter.

Nakakaloka dahil dito, sinabi niyang kinuyog siya ng isang Twitter user nang magbigay siya ng saloobin tungkol sa noo'y "Anti-Terror Bill" na "Anti-Terrorism Act of 2020" na ngayon, sa pag-apruba ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

MAKI-BALITA: Pia pinagbantaan dahil sa isang opinyon: ‘Saksakan ko ng tubo p*ke mo, bobo ka…’