Pormal nang inilunsad ng Department of Transportation (DOTr) ang kanilang commuter hotline.

PHOTO COURTESY: DOTR

Sa abiso ng DOTr nitong Miyerkules, nabatid na ang "DOTr Commuter Hotline" ang magiging one-stop-shop hotline para sa mga commuter-related concerns at iba pang transport issues.

Ayon sa DOTr, inilunsad nila ang naturang commuter hotline upang maging "mas seamless at mabilis" ang pagkonekta ng mga commuters sa DOTr.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Para anila sa anumang reklamo o sumbong, kinakailangan lamang na i-dial ang 0920-964-3687, na bukas mula 8:00AM hanggang 5:00PM, Lunes hanggang Biyernes.

Maaari rin anilang ipaabot ang anumang report sa pamamagitan ng Viber o WhatsApp.

"We established this hotline because we recognize the public’s role in creating a clean and efficient DOTr,” ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista.

“We urge our fellow Filipinos to report your concerns via the Commuter Hotline that require full attention of the DOTr and its attached agencies,” aniya pa.

Ayon naman sa DOTr, “I-save n’yo na ang hotline para sa hassle-free access at inyong convenience. Your DOTr is just one phone call or message away, mga Ka-sakay!”