Nagbabala ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa publiko hinggil sa mga nagbebenta ng pekeng national certificates (NCs) at sinabing hindi "for sale" ang naturang dokumento.

Ang naturang babala ng TESDA ay matapos maiulat kamakailan ang pag-aresto sa isang lalaki sa Cotabato City na nagbebenta ng mga pekeng NC at driver's license.

Sa isang pahayag, ipinaliwanag ni newly appointed TESDA Director General, Secretary Suharto Mangudadatu, na ibinibigay lamang ng mga tanggapan ng TESDA ang NC sa mga kwalipikadong indibidwal na nakapasa sa assessment para sa kani-kanilang kwalipikasyon. 

“When issued, these NCs are valid for five years,” anang TESDA.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Maaari umanong ma-access online ang Registry of Certified Workers ng TESDA sa pamamagitan ng website ng ahensya na https://www.tesda.gov.ph/Rwac.

Ang mga NC ay nirerequire ng mga employer sa lokal at sa ibang bansa bilang patunay ng mga kasanayan at abilidad ng mga manggagawa na magsagawa ng trabaho.

“TESDA prioritizes the integrity of its certification system in certifying middle-level workers to ensure their productivity, quality, and global competitiveness,” ani Mangudadatu.

Samantala, maaari umanong mag-apply ang mga mag-aaral, manggagawa, o sinumang indibidwal na gustong makakuha ng NC sa mga pribadong TESDA-accredited assessment centers, at sa TESDA Regional at Provincial Offices. 

“A complete list of assessment centers is also available online (https://www.tesda.gov.ph/AssessmentCenters/),” anang TESDA.

“The requirements for assessment include: a duly accomplished application form; 3 passport-size pictures with the name of the applicant written at the back of each picture; and a duly accomplished Self-Assessment Guide,” dagdag nito.

Pinayuhan naman ni Mangudadatu na maaaring mag-verify ang certified workers at employers ng authenticity ng mga NC online. 

Hinikayat din ng TESDA director general ang publiko na i-report sa TESDA ang sinumang indibidwal na maaaring nagbebenta ng mga pekeng NC sa pamamagitan ng hotline ng Agency na 8887-7777, o sa pamamagitan ng SMS na 0917-479-4370.