Ibinahagi ng mga awtoridad sa Canada nitong Biyernes, Hunyo 23, na maglulunsad sila ng imbestigasyon sa pagkawala ng Titan submersible na nakaranas umano ng âcatastrophic implosionâ sa ilalim ng karagatan matapos magtungo sa pinaglubugan ng Titanic.
Sa ulat ng Agence France-Presse, sinabi ng Canadian Transportation Safety Board na bilang awtoridad sa pagsisiyasat ng flag state ng support vessel, magsasagawa ito ng safety investigation hinggil sa mga pangyayari ng operasyon.
Matatandaang inihayag ng US Coast Guard noong Huwebes, Hunyo 22, na nasawi ang lahat ng limang sakay ng submarine.
MAKI-BALITA: Matapos ang âcatastrophic implosionâ: 5 sakay ng nawawalang submarine, nasawi!
Palagian umanong sinusuri ng Transportation Safety Board ang air, rail, marine at pipeline accidents na may layuning mapabuti ang kaligtasan sa transportasyon.Â
Sinabi ng ahensya na nagpadala ito ng mga imbestigador sa St. John's, Newfoundland, kung saan naglalayag ang Polar Prince, upang mangalap umano ng impormasyon, magsagawa ng mga panayam, at upang masuri ang pangyayari.
"In the coming days, we will coordinate our activities with other agencies involved," pahayag nito na inulat ng AFP.