VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez
Kinumpirma ni Department of Education (DepEd) Spokesperson Michael Poa nitong Biyernes, na isinasapinal na ng ahensiya ang guidelines o mga gabay para sa pagsisimula ng National Learning Camp na idaraos sa Hulyo 24.
Ang National Learning Camp ay bahagi ng national learning recovery program ng DepEd.
Layunin nitong tulungan ang mga estudyante na makaagapay sa learning losses noong kasagsagan ng Covid-19 pandemic.
Sa panayam sa radyo, sinabi ni Poa na umaasa silang mailalabas ang naturang guidelines sa lalong madaling panahon.
“Alam natin coming out of the pandemya meron tayong mga learning losses, learning gaps. Ang kaibahan po nito [sa summer classes], hindi lang ito para sa mga bumabagsak o para sa mga mababa ang grades. Lahat po ay inaanyayahan natin na mag-participate dito sa ating learning camp,” paliwanag pa niya.
Aniya, ang learning camp ay boluntaryo lamang para sa mga estudyante at maging sa mga guro.
Gayunman, mahigpit aniya nilang hinihikayat ang mga estudyante na mabababa ang grado na lumahok, upang makatulong sa promosyon nila sa susunod na baitang.
Tiniyak naman ni Poa na ang mga gurong magboboluntaryo para sa programa ay pagkakalooban nila ng karagdagang leave credits.
Ang naturang leave credits ay bibilangin aniya kahit ang kanilang service credit ay limitado lamang sa 15 araw.
Aniya pa, plano nilang pagkalooban rin ng libreng pagkain ang mga volunteer teachers sa camp.