NUEVA ECIJA -- Arestado ang tatlong most wanted persons sa isinagawang Manhunt Charlie Operations ng awtoridad dito noong Hunyo 14. 

Nagsagawa ang mga miyembro ng Guimba Police ng magkahiwalay na operasyon sa Barangay Pasong Inchic at Sto. Cristo, Guimba, Nueva Ecija na naging sanhi ng pagkakaaresto ng dalawang Municipal Most Wanted Persons ng Guimba.

Ang mga naaresto ay pawang estudyante na may edad 18-anyos at 19-anyos.

Sila ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong rape, na walang inirerekomendang piyansa.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Samantala, naaresto naman ng San Jose Police ang isang 60-anyos na lalaki na kabilang sa listahan ng Most Wanted Persons sa lungsod ng San Jose. 

Naaresto siya sa bisa ng warrant of arrest para sa three counts of rape at two counts of rape by sexual assault, na kapwa may kaugnayan sa RA 7610. Wala rin itong inirerekomendang piyansa.