Posibleng maglaro muli sa Philippine Basketball Association (PBA) ang Bay Area Dragons kahit natalo sa nakaraang 2023 Commissioner's Cup finals.

Ito ang isinapubliko niPBA Commissioner Willie Marcial matapos sumalang sa interview ng "Power and Play" program nidating Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Noli Eala nitong Linggo.

"Sinusubukan din natin, tingnan natin kung maibabalik natin ang Bay Area dito sa conference na 'to. Two conferences lang kasi eh," lahad ni Marcial.

Aniya, inaayos na nila ang lahat upang masilayan muli sa PBA ang Bay Area na inaasahang magbibigay muli ng mas mahigpit na laban sa 12 na koponan.

National

Bam Aquino sa girian sa politika: 'Taumbayan na naman naiipit!'

“Ang concern lang dito ay kung magkakasundo tayo with the team, kung magkakasundo 'yung mga proseso, kung okay sila sa mga kondisyon natin.Maraming factors pero katulad ng Bay Area, gusto ring bumalik. So aayusin natin 'yung imports, 'di na pwede 'yung dalawa," ani Marcial.

Sakaling maglalaro muli sa PBA, maaaring pumili ng isang import ang Dragons hindi katulad ng dati na dalawa ang kanilang ipinarada.

Matatandaang pumasok kaagad ang Bay Area sa finals ng 2022 Commissioner's Cup. Gayunman, kinamkam ng Ginebra ang kampeonato matapos silang matalo sa do-or-die Game 7.

Reynald Magallon