Plano na ng pamahalaan na ilabas ang kautusan para sa pag-aangkat ng sibuyas ngayong buwan upang hindi na maulit ang pagtaas ng presyo nitong ₱700 kada kilo.

Sinabi ni DA Assistant Secretary Rex Estoperez, layunin din ng pag-i-import ng sibuyas na mapatatag ang presyo nito sa merkado.

Tiniyak din aniya ni DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban na hindi na mauulit ang naranasang ₱600 hanggang ₱700 na kada kilo ng sibuyas noong 2022.

Sa ngayon aniya, naglalaro sa ₱160 hanggang ₱200 bawat kilo ng produkto sa merkado.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Aniya, dapat nang mailabas ang mga sibuyas na nasa cold storage facilities habang pinag-aaralan pa nila ang pagtatakda ng suggested retail price (SRP).

“We are considering all strategies to compel them to sell the onions in their cold storages. Kasi ito, pananamantala eh," dagdag pa ni Estoperez.

Kamakailan, inihayag ng Bureau of Plant Industry (BPI) na sapat pa rin ang suplay ng pula at puting sibuyas sa bansa.

Philippine News Agency