Iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules na umaabot na sa 6.9 milyon ang mga paslit na nabakunahan na laban sa measles, rubella at polio, sa ilalim ng kanilang "Chikiting Ligtas 2023" campaign.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni DOH Officer-In-Charge Ma. Rosario Vergeire na ang naturang bilang ay naitala nila hanggang noong Mayo 15 lamang.

Kabilang aniya rito ang 5.3 milyon na mga paslit na naturukan ng bakuna laban sa measles at rubella o 55.47% ng total eligible population.

Samantala, nasa 1.6 milyon naman ang mga paslit na nakatanggap ng polio vaccine o 52.12% ngtotal eligible population.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Bilang karagdagan, iniulat rin ni Vergeire na nakapagpamahagi rin ang DOH ng vitamin A supplementation sa may 2.2 milyong kabataan.

Ang ‘Chikiting Ligtas 2023’ ay isang month-long nationwide supplemental immunization campaign ng DOH na nakatakdang magtapos sa Mayo 31.

Layunin nitong mabakunahan ang may 9.5 milyong kabataan na nagkakaedad ng siyam hanggang 59-buwang gulang laban sa measles at rubella, at pagkalooban ng bivalent oral polio vaccine ang nasa 11 milyong paslit na nasa zero hanggang 59 buwang gulang.

Una nang sinabi ni Vergeire na target nilang maabot ang 95% coverage para sa naturang programa upang matiyak na protektado ang mga bata laban sa naturang mga karamdaman.