Usap-usapan sa social media ang guesting ng ABS-CBN girl group na BINI sa programang “TiktoClock” ng GMA Network, Lunes, Abril 10.

Nakisaya ang mga miyembro ng BINI na sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena sa nasabing Kapuso morning show matapos nilang i-perform ang kanilang hit single na “Na Na Na.”

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa kanilang opisyal na social media accounts, ibinahagi ng grupo ang fan cam ng kanilang naging trending performance na siyang ikinasaya naman ng kanilang mga taga-suporta o “Blooms.”

“gma giving bini solo stage with a good camera works and full song beh!?? and calling them "the nations girl group"!? it's a yes for me!! slayyyy thank you kamuning!!!!,” sey ng isang netizen.

https://twitter.com/bloomviewpoint/status/1645266939525369856?s=46&t=8BsjN6pvYh1CvxX-e5yT4Q

Matatandaang una na ring nag-guest ang P-Pop group na BGYO sa TiktoClock, at marami ang nagsasabi na wala na umanong network war sa pagitan ng dalawang bigating TV stations sa bansa.

Samantala, tila may pasabog pa ang programang “TiktoClock” dahil sa trending na guesting ng BINI at nagbigay ito ng patikim sa dance relay ng girl group sa pagbisita nito sa GMA.

https://twitter.com/tiktoclockgma/status/1645320080006451200?s=46&t=8BsjN6pvYh1CvxX-e5yT4Q

Mapapanood ang “TicktoClock” mula Lunes hanggang Biyernes, 11:15 AM sa GMA.