Ibinida ni GMA head writer Suzette Doctolero na napanood na niya ang cinema version ng pinakamalaking proyekto sa ngayon ng Kapuso Network, ang "Voltes V Legacy."

Matapos mapanood, masasabi ni Doctolero na worth it ang matagal na paghihintay para sa naturang TV adaptation sa sumikat na Japanese anime series.

"Napanood ko na ang cinema version ng Voltes V," aniya sa kaniyang tweet nitong Abril 2 ng umaga.

"Panoorin ninyo at nagbunga ang tagal sa paggawa, napakaastig ng effects. Yes, kaya ng Pinoy cgi!"

Voltes V Legacy, magbo-volt in muna sa mga sinehan bago sa TV

Pakiusap ng head writer, "And I hope huwag tayo mang-down sa mga effort na ganito kasi di pwedeng tanggapin na di natin kaya. Kaya ng Pinoy! Kaya natin!"

https://twitter.com/SuziDoctolero/status/1642327143018557440

Ang Voltes V Legacy ay pagbibidahan nina Miguel Tanfelix, Radson Flores, Matt Lozano, Raphael Landicho at Ysabel Ortega sa direksyon ni Mark Reyes.

Mapapanood muna ito sa mga sinehan sa Abril 19 bago ang aktuwal na airing sa telebisyon.