Si Daniel Radcliffe o mas kilala bilang "Harry Potter," magiging daddy na sa kaniyang long time girlfriend na siErin Darke!

Nagsimulang mag-date ang dalawa taong 2012, na kamakailan lamang ulit lumabas sa red carpet na magkasama matapos ang higit walong taon, at dito nga napansin ng mga netizens na may "baby bump" si Erin.

Nakaraang taon nang ibahagi ni Daniel sa publiko ang tungkol sa lagay ng kaniyang karera at sa kaniyang personal na buhay.

Aniya, "I've got a really nice life. I've been with my girlfriend for a decade, pretty much. We're really happy."

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Mas pinili ng dalawa na maging pribado ang kanilang relasyon, nauna nang ikinuwento ng aktor kung paano nagsimula ang kanilang relasyon sa set ng 2013 movie na “Kill Your Darlings” kung saan mayroon silang hot scene.

“It’ll be a hell of a story to tell our kids one day because of what our characters do with each other,” aniya sa isang panayam taong 2019.

Sobrang excited ang couple sa pagsilang ng kanilang unang anak, ngunit wala pa itong buwan kung kailan inaasahang paglabas ng baby.