Inilabas ng Social Weather Station (SWS) nitong Lunes, Marso 20, na tinatayang 78% ng mga Pinoy ang nag-aalala pa ring magkaroon o mahawaan ng COVID-19.

Ayon sa SWS, sa 78% mga nababahala pa rin na magkaroon ng nasabing virus, 59% umano ang labis na nababahala, 18% ang “somewhat worried”, habang 9% ang nababahala nang kaunti lamang.

Nasa 13% ng mga Pinoy naman umano ang hindi na nababahalang magkaroon ng COVID-19.

“Worry about catching Covid-19 remains unchanged since June 2022,” saad ng SWS.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Samantala, lumabas din sa survey na 93% ng mga Pilipinong nasa hustong gulang ay naniniwalang lumipas na ang pinakamalalang krisis sa COVID-19.

Nasa 6% lamang naman umano ang nagsasabing paparating pa lang ang pinakamalalang krisis dahil sa nasabing virus.

“Since December 2021, large majorities say the worst is behind us,” anang SWS.

Ang nasabing mga resulta ay mula umano sa isinagawang survey ng SWS mula Disyembre 10 hanggang 14, 2022, sa pamamagitan ng personal na pakikipanayam sa 1,200 indibidwal na ang edad ay 18 pataas, at may sampling error margin na ±2.8%.

Kamakailan lamang inilabas ng SWS ang resulta ng kanilang survey na 69% ng mga Pinoy na hindi pa bakunado sa COVID-19 ang hanggang ngayon ay ayaw pa ring magpabakuna.

BASAHIN: 69% Pinoy na ‘di pa bakunado vs COVID-19, ayaw pa ring magpabakuna – SWS