Tinupok ng apoy ang isang plastic warehouse sa P. Dela Cruz Street, Sitio Gitna, Nagkaisang Nayon sa Quezon City nitong Lunes ng madaling araw, Marso 13.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, itinaas sa first alarm ang sunog bandang 12:15 ng madaling araw. Makalipas lamang ang limang minuto, agad na itinaas ito sa second alarm.

Bandang 12:31 naman umano nang itinaas sa third alarm ang sunog hanggang sa naging fourth alarm na ito bandang 12:57 ng madaling araw.

Idineklara naman ng BFP ang "fire out" bandang 6:58 ng umaga, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG) na tumulong rumesponde sa sunog.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Sa ulat ng ABS-CBN News, ibinahagi ng BFP na nagsimula ang apoy sa barracks ng mga trabahador ng nasabing pabrika.

Samantala, hindi pa umano malinaw kung paano nagsimula ang apoy.