Ang kilalang Twitch streamer na si Kyedae Alixia Shymko, o mas kilala bilang "Kyedae" ay nagbahagi kamakailan na mayroon siyang isang uri ng cancer at humingi ng paumanhin sa kaniyang mga fans.
Sa kaniyang latest tweet, nabanggit ni Kyedae na kamakailan lamang ay na-diagnose siyang may Acute Myeloid Leukemia (AML).
Ang acute myelogenous leukemia (AML) ay isang cancer ng dugo at bone marrow — ang spongy tissue sa loob ng mga buto kung saan ginagawa ang mga selula ng dugo.
Kadalasang resulta ng AML ay maaaring maging sanhi ng mga pasyente na magkaroon ng anemia o magkaroon ng mahinang kakayahang mamuo ng dugo. Maaari nitong mapahina nang husto ang immune system ng pasyente, na humahantong sa madalas na mga impeksyon.
“Hi everyone, I’ve recently been diagnosed with Acute Myeloid Leukemia (cancer). I’ll be starting up treatment very soon. With that being said I’m not too sure how my body will react to the treatment so I do apologize in advance if my stream schedule isn’t consistent! Stay safe <3,” aniya sa tweet.
Humingi siya ng paumanhin sa mga fans dahil maaaring hindi na pare-pareho ang iskedyul ng kaniyang pag-stream, dahil hindi siya sigurado kung ano ang magiging reaksyon ng kaniyang katawan sa pagpapagamot.
Ang kaniyang anunsyo ay ikinalungkot naman ng mga netizens lalo na ang kaniyang mga kapwa Twitch streamer.