Umaabot sa mahigit sa₱818 milyon ang halaga ng charity fund na inilabas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong 2022 upang makapagbigay ng tulong sa kanilang mga benepisyaryo, kabilang ang mga pamilya, local government units (LGUs), at government hospitals sa buong bansa.
"Sa pamamagitan ng iba't ibang programa sa ilalim ngcharity fund,nasa21,421na pamilya,LGU, government hospital,at iba pang institusyon ang nabigyan ng tulong noong nakaraang taon," pahayag ni PCSO chair Junie Cua, sa isang kalatas nitong Lunes.
Sinabi ni Cua na ang naturang halaga ay 716% na pagtaas mula noong 2021.
Sa kanilang year end report, sinabi ng PCSO na ang assistance ay inilabas sa pamamagitan ng iba't ibang programa, gaya ng Institutional Partnership Program; Endowment Fund Program; Medical Transport Vehicle Donation Program; Medical Equipment Donation Program; Calamity Assistance Program; Outpatient Services; Medicine Donation Program; Medical and Dental Mission; at Employees’ Consultation and Management.
Una nang iniulat ng PCSO na direkta nitong natulungan ang may 255,520 indigents at financially incapacitated individuals sa ilalim ng kanilang flagship na Medical Access Program (MAP). Ang mga ito ay napagkalooban ng mahigit sa₱2 bilyong assistance noong nakaraang taon.