Isang kamangha-manghang larawan ng iconic Christ The Redeemer sa Rio de Janeiro, Brazil na tinamaan ng kidlat ang nakuhanan ng photographer na si Fernando Braga.

Sa Instagram post ni Braga, ang larawan ng Christ The Redeemer, na isa sa seven wonders of the world, ay nakunan daw noong nakaraang Biyernes, Pebrero 10 dakong 6:55 at 7:03 ng gabi (Brazil time).

“DIVINE RAY !!! FRIDAY!!! Shots made on February 10, 2023 at 6:55 pm (Christ) and 7:03 pm (Antennas) using the NIKON D800 with 70-200mm f/2.8E at 70mm f/8 13" ISO 100,” caption niya sa kaniyang post gamit ang wikang Portuguese.

Marami namang netizens ang agad na nagpaabot ng paghanga sa nasabing makapigil-hiningang larawan.

NASA, inilabas larawan ng 'Christmas tree' mula sa kalawakan

“WORTHY OF A WORLD PHOTOGRAPHY AWARD. Simply amazing!!!” saad ng isang netizen.

“I already lack adjectives to describe the images I see on this page, so I'll be repeating myself: what a spectacular photo!” komento ng isa pa.

“One of the most amazing photos I've ever seen in my life my brother, congratulations!” sabi pa ng isang netizen.

Nang tanungin naman ng ibang netizens ang lagay ng estatwa, kinumpirma ni Braga na hindi naman ito napinsala.

“The lightning stroke a crown in its head that serves as a lightning protection,” ani Braga sa comment section ng kaniyang post.

Hindi ito ang unang beses na natamaan ng kidlat ang Christ the Redeemer ng Brazil. Ayon sa ulat ng BBC News, natamaan din ng kidlat ang hinlalaki ng estawa noong 2014, na siyang naging dahilan ng muling pag-aayos nito.

Ayon naman sa Britannica, ang estatwa ng Christ the Redeemer ay may taas na 98 feet (30 metres) habang nasa 92 feet (28 metres) ang haba ng nakadipang mga kamay nito. Nagsimula raw ang pagpapatayo nito noong 1926 at tagumpay na natapos noong 1931.