Inanunsyo ng pamilya ng yumaong nobelista na si Lualhati Bautista nitong Lunes, Pebrero 13, na magiging bukas sa lahat ng mga nais dumalaw ang kaniyang lamay mula sa Pebrero 15 sa St. Peter Chapels Commonwealth Quezon City, Room 208.

"Our family is inviting all who would like to pay respects and celebrate the life of our beloved, Ms Lualhati Bautista, known writer and novelist," pahayag ng post ng pamilya sa Facebook account ni Bautista.

Samantala, magiging eksklusibo naman umano sa mga kamag-anak at kaibigan ang pagbisita sa labi ni Bautista mula ngayong araw, Pebrero 13 hanggang bukas Pebrero 14.

Kasabay nito'y inanunsyo rin ng pamilya na gaganapin ang libing ni Bautista sa Biyernes, Pebrero 17, sa Holy Cross Memorial Park Quirino, Novaliches Quezon City.

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Pumanaw si Bautista nitong Linggo ng umaga, Pebrero 12. Nakilala siya hindi lamang sa pagiging mahusay na manunulat at nobelista, kundi maging sa pagiging isang liberal activist at political critic. Ilan sa mga tumatak na akda niya ay ang mga nobelang tulad ng ‘Dekada '70;’ ‘Bata, Bata, Pa'no Ka Ginawa?;’ at‘ 'GAPÔ.’