"Mananatiling buhay ang iyong mga likha sa piling ng masang Pilipino."

Nagpahayag ng pakikiramay ang Kabataan Partylist nitong Linggo, Pebrero 12, sa pagpanaw ng manunulat, nobelista, liberal activist, at political critic na si Lualhati Bautista.

Basahin: Nobelistang si Lualhati Bautista, pumanaw na sa edad 77

Sa Facebook post ng Kabataan Partylist, inilarawan nila si Bautista bilang isang "peminista at aktibistang manunulat na may 'di masukat-sukat na kontribusyon sa sining at aktibismo."

National

PUP nagbukas na rin ng klase para sa female PDLs ng Manila City Jail

Inilagay rin nila sa unang bahagi ng post ang isang linya mula sa nobela ni Bautista na Dekada '70: “Ang payapang pampang ay para lamang sa mga pangahas na sasalunga sa alimpuyo ng mga alon sa panahon ng unos."

"Huwaran at dakila ka, Ginang Lualhati," anang Kabataan Partylist.

"Mananatiling buhay ang iyong mga likha sa piling ng masang Pilipino," dagdag nito.