“Big Daddy is a record-crushing crustacean! 🦀

Meet Big Daddy the Crab, ang crustacean Japanese spider crab na nakasungkit ng Guinness World Records (GWR) bilang “world’s widest crustacean living in captivity” at “crab with the longest leg”.

Sa pahayag ng GWR nitong Lunes, Pebrero 13, may habang 3.11 metro (10 feet 2.5 inches) ang legs ng alimangong si Big Daddy kapag ito ay binanat.

Nakuha ang pangalan ng nasabing alimango sa professional wrestling star na si Big Daddy (UK, 1930–1997, b. Shirley Crabtree, Jr), na naging regular daw sa ring sa Blackpool Tower.

Lifehacks

Pag-require sa bagong empleyadong mag-perform sa Christmas party, labag sa batas?

Nabuhay naman daw ang alimangong si Big Daddy sa Sea Life sa Blackpool, UK.

Samantala, nakuha rin ni Big Daddy ang record na “longest leg for a crab” dahil may haba ang kaniyang binti na 1.43 metro (4 ft 8.5 in).

Napatunayan daw ang nasabing sukat ng Blackpool noong Agosto 8, 2013.