Mas mataas ang tyansa na magkaroon ng depresyon ang isang indibidwal kapag matagal siyang na-expose sa polusyon sa hangin, ayon sa inilabas na bagong pag-aaral ng JAMA network of scientific journals.

Sa pag-aaral ng JAMA Network Open na inulat ng Agence France Presse, ang long-term exposure sa mataas na lebel ng air pollution ay nagpapataas umano ng panganib na magkaroon ang mga matatanda ng late-onset depression.

Sa iba pang pag-aaral na inilabas naman ng JAMA Psychiatry, nakitang ang matagal na exposure sa kahit mababa lamang na lebel ng air pollutants ay nagpapataas pa rin ng kaso ng depresyon at pagkabalisa.

“Although depression is less prevalent among older adults as compared with the younger population, there can be serious consequences, such as cognitive impairment, comorbid physical illness and death,” anang mga mananaliksik.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ang nasabing bagong mga pag-aaral ay dumagdag daw sa mga ebidensya na nagsasabing nakaaapekto talaga ang air pollution sa mental health ng mga tao.

Matagal nang naiuugnay ang polusyon sa hangin sa mga sakit na may kinalaman sa puso at baga.