“Hindi ka ba mahal ng mahal mo? You are not alone.”
Inilabas ng Social Weather Station (SWS) nitong Biyernes, Pebrero 10, na tinatayang 30% ng mga Pinoy na nasa tamang edad ang nakaranas ng unrequited love o pag-ibig na hindi nasuklian.
Sa isinagawang survey ng SWS mula Disyembre 10 hanggang 14, 2022, sa pamamagitan ng personal na pakikipanayam sa 1,200 indibidwal na ang edad ay 18 pataas, 30% o tatlo sa sampung Pinoy ay nakaranas umano ng pagmamahal na hindi nasuklian.
Ayon din sa SWS, sa 33% o isa sa tatlong Pinoy (kung saan 40% daw dito ay lalaki habang 25% ay babae) na umamin ng kanilang nararamdaman sa kanilang minamahal na kaibigan, kalahati raw ang hindi nasuklian ng pag-ibig o ‘na-friendzone’.
Samantala, 57% naman daw ng mga Pinoy ay nagsabing “very happy” ang kanilang lovelife. Nasa 25% naman ang nagsabing “it could be happier” samantalang 17% ang walang lovelife at all.