Nagliparan ang mga suntok sa pagitan ng mga manlalaro ng Orlando Magic at Minnesota Timberwolves sa kanilang laban sa Target Center sa Minneapolis, Minnesota nitong Biyernes ng gabi (Sabado sa Pilipinas).

Sa ulat ng isang sports news website, limang manlalaro ng dalawang koponan ang pinatalsik sa laro. Ang mga ito ay sinaAustin Rivers,Taurean Prince atJaden McDaniels ng Timberwolves, atMo Bamba atJalen Suggs ng Magic.

Nag-ugat ang gulo sa third quarter matapos kantiyawan niMagic center Mo Bambaat teammate na si Markelle Fultz siMinnesota guard Austin Riversmatapos sumablay ang huli sa kanyang three-point attempt sa harap ng bench ngkalaban.

Sa pagkakataongito, sumiklab ang suntukan nina Bamba at Rivers hanggang sa nakialam na ang iba pang manlalaro.

National

Amihan, ITCZ, patuloy na nakaaapekto sa malaking bahagi ng bansa – PAGASA

Hinatak ni Magic player Jalen Suggs si Rivers at iwinasiwas. Dahil dito, sumaklolo ang mga kakampi ni Rivers na sinaJaden McDaniels at Taurean Prince hanggang sa magkaroon ng labu-labo.

Nangyari ang insidente isang araw nang mag-away sinaMemphis Grizzlies guard Dillon Brooks at Cleveland Cavaliers guard Donovan Mitchell nitong Huwebes.

Tinira ni Brooks si Mitchell sa maselang bahagi ng kanyang katawan bilang ganti sa pagkakasubsob nito. Gumanti rin si Mitchell at binato ng bola si Brooks bago niya ito dinikdik.

Nitong Biyernes, inanunsyo ng NBA na sinuspindi na nila si Brooks habang pinagmulta naman ng $20,000 si Mitchell.

Pagkatapos ng insidente, nanalo ang Magic laban sa Timberwolves, 127-120.