Naka-apat na panalo na ang NLEX matapos ilampaso ang Phoenix Fuel Masters, 98-94, sa 2023 PBA Governors' Cup sa Ynares Center sa Antipolo City nitong Sabado ng gabi.

Tampok sa pagkapanalo ng Road Warriors ang 38 points ng import na si Jonathon Simmons, bukod pa ang pitong rebounds at limang assists.

Ito na ang huling paglalaro ni Simmons sa NLEX matapos tanggapin ang malaking alok sa kanya ng dating koponan sa Chinese Basketball Association (CBA).

Dating nang nagkasundo ang NLEX management at si Simmons na apat na laro lamang ang kaya nitong ibigay sa koponan bago bumalik sa CBA.

National

Amihan, ITCZ, patuloy na nakaaapekto sa malaking bahagi ng bansa – PAGASA

Dumikit pa ang Fuel Masters sa Road Warriors, 96-92, 18 segundo na lamang sa final period. Gayunman, nakakuha ng foul si Kevin Alas at naibuslo pa nito ang dalawang freethrow hanggang sa tuluyang maipreserba ang panalo.

Naka-double-double naman sa Phoenix si Du'Vaughn Maxwell sa nakolektang 25 points, 11 rebounds, at pitong assists.

Dahil sa pagkatalo ng Phoenix, bumagsak na sila sa 1-4 record.