Dinampot ng mga tauhan ng anti-scalawag unit ng pulisya ang isa nilang kasamahang pulis kaugnay sa reklamong pangongotong sa isang rider sa Cebu City kamakaikan.

Sa report ng Philippine National Police-ntegrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG), nakilala ang suspek na si Staff Sgt. Paul Dennis Traya, nakatalaga sa Mambaling Police Station 11 sa naturang lungsod.

Inaresto si Traya sa parking lot ng Miller Hospital sa Tres de Abril Street, Barangay San Nicolas, Cebu City, nitong Miyerkules, dakong 3:20 ng hapon.

Si Traya ay nauna nang inireklamo ng isang rider na hinihingan umano nito ng ₱10,000 matapos maharang sa isang checkpoint sa Brgy. Mambaling.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nakitaan umano ng mga violation ang complainant kaya pinipilit siyang hingan ng pera ni Traya bilang areglo.

Sa ikinasang entrapment operation, inaresto si Traya habang kinikikilan umano ang ibang motoristang lumabag sa batas-trapiko.

Nahaharap na sa kasong administratibo at kriminal si Traya na nakakulong na sa Camp Sergio Osmena Sr., Osmena Boulevard, Cebu City.

Philippine News Agency