Aabot sa 340 preso ang pinalaya na mula sa National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City nitong Lunes, Enero 23. 

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Department of Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Bukod sa certificate of discharge from prison o release order, binigyan din ang mga preso ng grooming kit at cash allowance.

Sinabi ni Remulla, napagdusahan na ng mga preso ang hatol ng hukuman.

National

Anna Mae Yu Lamentillo itinalaga bilang Editor in Chief ng LSE International Development Review

Ginawaran din sila ng certificate of eligibility sa alinsunod sa Department of Labor and Employment (DOLE) integrated livelihood program.

Paliwanag pa ng kalihim, tutulungan ng DOLE ang mga ito upang magkaroon ng pagkakakitaan.