Nagbitiw na sa kanyang puwesto siDepartment of National Defense (DND) officer-in-charge Jose Faustino, Jr., ayon sa pahayag ngMalacañang nitong Lunes, Enero 9.

Ipinaliwanag ngPresidential Communications Office (PCO) sa kanilang social media post, kaagad na tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pagbibitiw ni Faustino.

Papalitan ni Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity Adviser Carlito Galvez, Jr. si Faustino bilanghepe ng DND matapos ialok sa kanya ni Marcos.

Hindi pa isinasapubliko ngMalacañang ang dahilan ng pagbibitiw sa puwesto ni Faustino.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Anim na buwan pa lang sa puwesto si Faustino mula nang italaga ito ni Marcos noong Hunyo 2022.

Isa namang retiradong heneral ng Philippine Army si Galvez na dati ring namuno sa Armed Forces of the Philippines sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Dati rin siyang nagsilbi bilang vaccine czar at chief implementer ngNational Task Force against Covid-19 sa bugso ng pandemya sa bansa.