Inaasahan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na lalo pang tataas at aakyat na sa mahigit ₱345 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa susunod na bola nito ngayong Martes ng gabi, Disyembre 6.

Sa paabiso ng PCSO nitong Lunes, nabatid na wala pa ring nakahula sa six-digit winning combination ng Ultra Lotto 6/58 na 06 - 49 - 58 - 35 - 36 - 31, na binola nitong Linggo ng gabi, Disyembre 4.

Dahil dito, wala pa ring pinalad na makapag-uwi ng katumbas nitong premyo na tumataginting na ₱333,985,864.40.

Mayroon namang pitong mananaya na nakapag-uwi ng tig-₱120,000 na second prize para sa nahulaang tiglimang tamang numero.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Samantala, batay sa jackpot estimates ng PCSO, nabatid na  aabot na sa ₱15.8 milyon ang jackpot prize ng Superlotto 6/49 habang ₱5.9 milyon naman ang papremyo sa Lotto 6/42, na kapwa bobolahin rin sa Martes ng gabi.

Ang Ultra Lotto 6/58 ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Samantala, muli namang hinimok ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Robles ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mga PCSO games, partikular na ang lotto, upang magkaroon na ng tiyansang maging susunod na milyonaryo ay makatulong pa sa kawanggawa.