Para kay international Filipino fashion blogger at online personality na si Bryan Boy, ang ugat kung bakit maraming naghihirap sa panahon ngayon ay dahil sa kakulangan sa edukasyon, ayon sa kaniyang latest vlog.

"Naisip-isip ko lang ha, the reason why kung bakit maraming taong naghihirap ngayon, is because sa kakulangan ng edukasyon," sey ni Bryan Boy.

"Not only education, kulang din sila sa resources. We all have a responsibility to educate and help people. And it all starts with not adding more people."

Kapansin-pansin namang ginawang background ni Bryan Boy ang ilan sa mga screengrab mula sa iba't ibang pahayagang nagbabalita patungkol sa epekto ng paglobo ng populasyon sa kahirapan.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

"Nakakaawa talaga kasi alam n'yo 'yon, araw-araw talaga ang daming nanganganak. Imaginin na lang po ninyo kung ilang milyon, milyong-milyong mga bata ang nangangailangan, 'di ba?"

"Nakakaawa talaga…"

Matatandaang pinag-usapan ng mga netizen ang pang-re-realtalk niya sa isang nanay na humingi ng pang-gatas at pang-diaper sa kaniyang baby.

“Gusto sana kitang tulungan, pero hindi ako gumawa ng baby na ‘yan,” diretsang saad ng fashion socialite sa isang Facebook video, Lunes.

“Kung basic needs na nga lang ng anak mo, hindi mo ma-provide, anong gagawin mo kapag lumaki na 'yang bata na ‘yan?” pagpapatuloy ni Bryan Boy habang ipinuntong kailangang matugunan ang pag-aaral, pagkain, at iba pang pangangailangan ng bata sa hinaharap.

Sunod na diretsang payo ng online personality, “’Yun na nga eh, kung wala talaga kayong pera, ‘wag na kayong gumawa ng bata. And, wag na kayo magdagdag ng chanak sa mundo.”

Basahin: https://balita.net.ph/2022/11/28/bryan-boy-walang-awang-tumalak-sa-netizen-na-nanghihingi-ng-panggatas-pang-diaper-ng-anak/">https://balita.net.ph/2022/11/28/bryan-boy-walang-awang-tumalak-sa-netizen-na-nanghihingi-ng-panggatas-pang-diaper-ng-anak/

Umani ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

Nakarating sa kaalaman ng fashion blogger ang iba't ibang kuda ng mga netizen, gayundin ang pagkakabalita sa kaniya sa Balita Online, kaya nagbigay ulit siya ng pahayag tungkol dito. Update pa ni Bryan Boy, siya ay nasa airport sa bansang Sweden at papunta sa bansang Egypt.

Pagdidiin ng fashion personality, hinding-hindi niya babawiin ang kaniyang matatalas na pahayag.

"Yung sa akin lang talaga, I will not gonna back down for what I have said," saad ni Bryan Boy.

"Hindi ko ho babawiin 'yan. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit naging isyu 'yan. I'm sure yung mga magulang diyan, alam naman nila siguro kung gaano kahirap magkaroon ng anak, 'di ba? Ang daming gastusin… ako nga wala akong anak pero alam ko kung gaano kamahal magkaroon ng anak."

"Tuition fee, pagkain, school supplies, from elementary to college… hospital bills… siguro sa buong buhay ng anak ninyo, milyon-milyon ang magagastos ninyo."

"Ako nga wala akong anak pero alam ko, na dapat kung meron kayong anak, dapat mabibigyan ninyo sila ng magandang buhay."

"Anong sey n'yo?" pagtatapos-tanong ni Bryan Boy.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/12/01/bryan-boy-pinutakti-raw-ng-bashers-dahil-sa-chanak-remarks-hindi-ko-babawiin-yan/">https://balita.net.ph/2022/12/01/bryan-boy-pinutakti-raw-ng-bashers-dahil-sa-chanak-remarks-hindi-ko-babawiin-yan/