Matinding trapiko ang sumalubong sa mga motorista sa South Luzon Expressway (SLEX) matapos pumalya ang radio frequency identification (RFID) system nito sa northbound lane nitong Huwebes.

Naranasan ang pagsisikipng daloy ng trapiko mula Filinvest sa Biñan hanggang Bicutan.

Napilitang itaas na lang muna ang mga toll gate barrier upang tuluy-tuloy ang daloy ng mga sasakyang naabala sa insidente.

"Sa part ng Toll Regulatory Board, kami po ang humihingi ng paumanhin sa ating mga motorista na naaberya sa kanilangbiyahe,lalo na ngayong umaga… Subalitginagawanpo ng kaparaanan ng operator ng ating operator upang mabalik sa normal na traffic ang ating mga kababayan," paliwanag ni TRB spokesperson Julius Corpus sa isang television interview.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Paliwanag naman ng operator ng San Miguel Corporation, ang operator ng SLEX,Southern Tagalog Arterial Road (STAR), Skyway System, NAIA Expressway, at ng Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX), nasira umano angfiber optics ng kanilang internet provider, na naging dahilan ng pagpalya ng sistema.