Nais ni Senador Alan Peter Cayetano na bigyan ng mas malaking budget angPhilippine Sports Commission (PSC) para sa kinabukasan ng kabataang Pilipino at ng industriya ng sports sa bansa.

Nanawagan ang senador na lakihan ng gobyerno ang paggastos sa grassroots sports program upang mas maparami pa ang mga pagsasanay sa mga atleta at mas mapapalaki pa ang sakop nito sa mas maraming propesyonal na liga sa iba't ibang sports.

"There comes a point wherein sports become so integrated in a society that the money from commercial sources will take over. Ngayon ang problema natin kasi is mahina yung grassroots training dahil walang pera," ani Cayetano sa plenary session noong Biyernes, Nobyembre11.

"Pero dadating ang time na kapag sobrang part na of daily life ang sports dito sa atin, mag-aagawan ang advertisters kung sino ang popondo nito," dagdag niya.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Hiniling ni Cayetano kay Senador Christopher "Bong" Go, nangunguna sa Senate Committee on Sports, at sa mga opisyal ng PSC na magsumite sila ng isang komprehensibong grassroots campaign sports development program na magpapakitang kasama na ito sa mga susunod na budget deliberations.

"Give us a plan and the figures that go with it para maintindihan ng ating mga kababayan na hindi lang dapat elite athletes [ang sinusuportahan]. Dapat kung may nakitaan ka pa lang na galing, may pondong nakahanda na," saad nito

Giit pa niya na ang pamumuhunan sa imprastraktura ay napakahalaga sa pagpapaunlad ng sports industry sa bansa dahil ang mga ito ay nagbibigay ng mga pasilidad sa pagsasanay para sa mga baguhang atleta.

"Maglagay tayo ng pondo for developing these facilities. Dapat may involvement kayo for supervision. Lalaki ang sports industry, at hindi tayo nagtatapon ng pera kasi it develops our children. Even if you look at it from a commercial point of view, babalik ang pera," anang senador.

Bigay-diin pa ni Cayetano na mahalaga ang sports sa pagbuo ng malakas na karakter sa mga kabataang Pilipino.

"Ang sports ay sagot sa maraming problema - paglaban sa droga at kakulangan ng teamwork. Yung disiplina, passion, sacrifice, lahat natutunan sa sports," aniya.

Humigit-kumulang P30 milyon ang pondong nakalaan para sa PSC, ayon kay Senador Go.