Nakatakdang magtaas ng presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo.

Sa pahayag ng mga eksperto sa industriya ng langis, inaasahang dadagdagan ng P1.30 hanggang P1.50 ang presyo ng kada litro ng kerosene.

Inaasahang magtataas ng P0.75 hanggang P1 ang idadagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina.

Gayunman, babawasan naman ng P0.25 hanggang P0.50 ang presyo ng bawat litro ng diesel.

National

Surigao del Sur, niyanig ng magnitude 4.4 na lindol

Idinadahilan sa pagbaba ng presyo ng langis ang paghina ng demand nito sa China, pangambang magkaroon ng recession sa buong mundo at ang mababang suplay ng produkto nito.