Ginawaran ang Philippine Postal Corporation (PHLPost), Manila Central Post Office ng ISO 9001:2015 certification sa Liwasang Bonifacio kamakailan kasunod ng matagumpay na proseso ng Quality Management System (QMS).

Sa isang liham nitong Linggo, nabatid na ang pagtanggap ng sertipiko ay isinagawa sa isang simpleng seremonya noong Nobyembre 2, at sinaksihan ng mga opisyal at kawani ng post office sa pangunguna ni Postmaster General Norman Fulgencio.

Ang sertipikasyon ay inisyu ng WQA Phils Inc., isang international certification body na nagbibigay ng dekalidad na sertipikasyon para sa iba't ibang uri ng sistema ng pamamahala sa magkakaibang sektor.

Ito ay sumailalim sa matagumpay na 2-stage audit, na nagpapatunay kung paano ang Manila Central Post Office sa Liwasang Bonifacio ay nagpapatakbo ng isang sistema ng pamamahala na nasuri alinsunod sa mga kinakailangan ng ISO 9001:2015 na may saklaw na “Acceptance, Processing, Dispatching and Delivery of Mails and Parcels to and from Maynila.”

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

“The Post Office is an important institution created by our forefathers to connect to the world through communication and it should not only be protected and sustained but also improved. We, postal workers, are guardians in ensuring that we evolve and improve the postal experience in this changing world through ISO certification and technology,” saad ni Fulgencio.

Dagdag pa niya, “This is a testament to our commitment to strengthen and continuously improve our products and services and to go beyond public expectations.”

Ang Philippine Post Office ay naglunsad ng ilang mga hakbangin upang baguhin at gawing moderno ang mga serbisyo nito na napapanahon at may kaugnayan, dahil pinapadali nito ang mahusay na paghahatid ng mga komunikasyon, pagbabayad ng mga serbisyo, pati na rin ang mga kalakal at paninda, lalo na ngayong inilipat ng mga industriya at negosyo ang kanilang operasyon sa mas modernong pamamaraan, tulad ng e-commerce at online na mga transaksyon.

“We commit to regularly review and improve our system and processes to ensure continuous compliance with the requirements of ISO 9001:2015,” ani Fulgencio.

Pinasalamatan din ni Fulgencio ang mga mga kawani at opisyal, tagapamuno at miyembro ng Post Office Quality Management Team gayundin din si Severino Villalon, Consultant mula sa BCJA Training and Consultancy (BCJA) sa kanilang paggabay upang maging matagumpay ang proseso at mapabuti ang gampanin ng ahensya sa larangan ng serbisyo publiko.

Ang ISO o ang International Organization for Standardization ay isang independent, non-governmental, at internasyunal na organisasyon na bumubuo ng mga pamantayan upang matiyak ang kalidad, kaligtasan at kahusayan ng mga produkto, serbisyo at sistema.