Maaari umanong makulong si datingBureau of Corrections officer-in-charge Rafael Ragos dahil sa pagbawi nito sa kanyang testimonya laban sa dating senador na si Leila de Lima.

Ito ang babala ni dating Department of Justice (DOJ) Secretary Vitaliano Aguirre II na lumantad sa DOJ nitong Huwebes upang itanggi na pinilit niya si Ragos na gumawa ng testimonya upang idiin sa kaso si De Lima.

Si Ragos ang nagdiinkay De Lima sa kasong may kaugnayan sa umano'y paglaganap ng iligal na droga sa National Bilibid Prison (NBP) noong kalihim pa ng DOJ ang dating senador.

Sinabi ni Ragos, idiniliber niya ang milyun-milyong pisong kita umano sa iligal na droga, sa mismong bahay ni De Lima saParañaque noong 2012, upang magamit umano nito sa election campaign.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Gayunman, binawi na ni Ragos ang nasabing testimonya noong Abril at pinanumpaan niya ito nang humarap sa Muntinlupa Regional Trial Court nitong nakaraang linggo.

Sa pagharap nito sa mga mamamahayag, tinawag ni Aguirre na "sinungaling" si Ragos kasabay ng paglantad sa isang video kung saan malaya umanong nagbibigay ng sinumpaang salaysay ang dating hepe ng BuCor.

“Makikitan'yodoon na walang namimilit sa kanya. Siya ang tuloy-tuloy na nagsasalita. Siya ang nagbigay ng lahat ng mga contents ng kanyang supplemental affidavit at tumatawa pa siya, walang namimilit,” giit ni Aguirre.

Matatandaang inaresto si De Lima noong Pebrero 2017 matapos sampahan ng patung-patong na kasong may kinalaman umano sa kalakalan ng illegal drugs sa NBP.

Hanggang ngayon ay nakakulong pa rin sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center si DeLima.