Winaive ng isang doktor ang kaniyang doctor's fee para kay dating Department of Transportation (DOTr) Secretary Art Tugade bilang pasasalamat sa magandang serbisyo ng huli noong naninilbihan pa ito sa ahensya. 

Ibinahagi ni Tugade ang heartwarming experience na ito sa kaniyang Facebook nitong Huwebes, Oktubre 30.

"𝘚𝘏𝘌'𝘚 𝘈𝘕 𝘈𝘕𝘎𝘌𝘓! Let me share this heartwarming experience na hindi ko po makakalimutan sa isang Ospital sa BGC na well-equipped, may good service at known for efficiency," panimula niya.

Kuwento niya, mahimbing daw ang kaniyang tulog nang lumapit sa kaniya ang finance personnel ng ospital para ipakita ang babayaran niyang bill. Laking gulat daw niya nang malaman niyang winaive ang doctor's fee.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

"Agad ko ‘ho hinanap ang Doctor para pasalamatan. I said, “Ang laki po ng winave ninyong professional fees - lahat winaive po ninyo. Wala man lang kayong iniwan para sa inyo"," saad ni Tugade.

Hindi rin daw niya inasahan ang naging rason ng doktor. "“Sir, bilang pasasalamat sa inyong magandang serbisyo nagawa ninyo noong kayo’y nasa DOTr. Personally, ako po ay nakinabang sa magandang serbisyo ng MRT-3. Ang lamig ng aircon, maganda ang takbo, walang aberya at may ‘Libreng Sakay’ pa. Maraming salamat po. My own small way of showing appreciation for your efforts.""

"Halos maluha ako, kinilabutan at sandali ako natahimik dahil hindi ko alam ang isasagot ko kay Doktora. Hindi ko po kilala na personal si Doktora. First time ko siya na meet noong araw na iyon. Yan po ang kanyang ginawa -'yon po ang kanyang sinabi. I was so deeply touched!" kuwento pa ng dating kalihim.

"This very hardworking, skilled and dedicated Doctor that begs for her anonymity, sa nurse na kasama niya na nasubukan din ang libreng sakay, at mga taong nagpalambot ng puso ko, taos puso ang aking pasasalamat sa inyo!!

"Dalangin ko po ang inyong kalusugan at patuloy na katapatan sa inyong serbisyo para sa tao at bayan. God bless to all of you. The Doctor is an Angel!"

Umani naman ng mga magagandang komento ang naturang post ni Tugade. Sa pag-uulat, umaabot na ito sa 7.3K reactions, 373 comments, at 394 shares.