Inamin ng aktres na si Chynna Ortaleza na nai-insecure siya noon sa kaniyang katawan.

"Kuha ng asawa ko na bilib na bilib na sexy ako," aniya sa caption ng Instagram post niya kamakailan.

"At dahil sa body positivity na yan I have stopped padding my chest & have been on a journey of accepting the skin I am in without needing to please anyone else but myself," dagdag pa ng aktres. 

"Quite empowering. It almost took 40 years for me. It isn’t too late. You must try it!" sey naman niya sa mga taong nakararanas din ng insecurity sa kanilang katawan. 

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Kasalukuyang nasa Boracay island ang aktres kasama ang asawang si Kean Cipriano at kanilang mga anak.

"Medyo madami na ang nagsasabi sakin that I need the time to chill & slow down. And here I am before things get really really busy. Glad that I listened," ani Chynna sa hiwalay na Instagram post.