Kasabay ng pananalasa ng super typhoon Karding ay pag-trending naman ng bulubundukin ng Sierra Madre sa Twitter, Setyembre 25.

Dahil ang lokasyon ng Pilipinas ay sadyang daanan ng mga bagyo, ang Sierra Madre ang nagsisilbing "shield" upang mas mapabilis ang pagpapahina sa mga bagyong papasok. Nagsisimula ang Sierra Madre mula sa probinsya ng Cagayan at nagtatapos naman sa probinsya ng Quezon.

Halimbawa na lamang noong 2016, ang super typhoon Lawin napahina sa Category 3 mula sa Category 5 nang tumama ito sa Sierra Madre, gayundin ang super typhoon Ulysses noong 2020.

Kaya naman panawagan ng mga netizen, sana raw ay maisabatas na ang mga nakahaing house bill sa Kongreso na mangangalaga sa Sierra Madre upang hindi ito makalbo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa pagiging trending ng Sierra Madre ay lumabas ang iba't ibang alamat patungkol dito.

"According to myths, Bugsong Hangin used to court Sierra Madre when they were younger," saad sa Facebook post ng netizen na si Zakhary Corey."

"So when Bugsong Hangin discovered that Sierra married another guy, he vowed to send his strongest winds to destroy the land where Sierra and her kids live."

"Tonight, Sierra's once again on defense against Bugsong Hangin. But she's not going to die tonight---Not in the hands of her ex-lover."

"But probably with the hands of people she loves."

Nanawagan din ang mga netizen na sana ay huwag nang ituloy ang planong pagtatayo ng Kaliwa Dam, at nag-trending sin ang "Sign the Petition".