Magpapatupad ng malakihangbawas-presyo sa kada litro ng diesel ang mga kumpanya ng langis sa bansa sa Martes.
Ipinaliwanag ng mga kumpanya ng langis, hindi magkakaroon ng paggalaw sa presyo ng gasolina sa Setyembre 20.Dakong 12:01 ng madaling araw ng Martes, ipatutupad ng Caltex ang₱4.15 tapyas sa presyo ng kada litro ng kanilang diesel habang₱4.45 naman ang ibabawas sa kada litro ng kerosene.
Sinabi naman ng Cleanfuel, aabot din sa₱4.15 ang ipaiiral nilangbawas-presyo sa diesel.
Hindi rin nagpahuli ang Shell at Seaoil na nagsabing babawasan nila ng₱4.15 ang presyo ng kada litro ng diesel, dakong 6:00 ng gabi. Aabot naman sa₱4.45 ang iro-rollback ng mga ito sa kanilang diesel.
Sa pahayag naman ng PetroGazz, aabot din sa₱4.15 ang ibabawas nila sa presyo ng bawat litro ng diesel simula bukas ng madaling araw.
Ikinatwiran ng mga ito, bumaba ang presyo ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado, bukod pa ang pangambang pagbagsak ng ekonomiya sa mga bansa sa Europe.