Masayang ibinahagi ng abogado-direktor na si Atty. Vince Tañada na ipalalabas na rin sa ibang bansa ang pelikulang "Katips: The Movie", na magsisimula sa Setyembre 13 at magtatapos sa Disyembre 15, 2022.

"#KatipsTheMovie will start its World Tour on September 13 and will end on December 15, 2022," ayon mismo sa Facebook post ni Atty. Vince.

Ayon pa sa direktor unang mapapanood ang Katips sa Middle East (Setyembre 14-22), New Zealand (Setyembre 18), Japan (Setyembre 19-24), Australia (Setyembre 28 hanggang Oktubre 9), Espanya (Oktubre 16), United Kingdom (Oktubre 18-20), Germany (Oktubre 22-25), Switzerland (Oktubre 28-29), Italy(Oktubre 31-Nobyembre 2), USA Mainland (Nobyembre 4-Nobyembre 24), Canada (Nobyembre 27-Disyembre 11), Hawaii (Disyembre 12), at Hongkong (Disyembre 17-18).

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

"Sa lahat ng aming kababayan, see you all there!" saad ni Atty. Vince.

Para sa Middle East, mapapanood ito sa Dubai, Abu Dhabi, United Arab Emirates (UAE), Bahrain, Kuwait, at Oman.

Ibinida rin ng direktor na bago ang world tour ay nagkaroon muna ng special send off screening ng Katips sa isang mall.