Naaliw ang gobernador ng Cavite na si Gov. Jonvic Remulla sa mga netizen na gumawa ng memes, kung saan pinagkatuwaan siyang isakay sa aerial cable cars, kung sakaling matutuloy na ang pagkakaroon nito bilang daluyan ng transportasyon, at maaaring alternatibong solusyon umano sa lumalalang trapiko.

Kung sino man ang nag-isip nito 😂" ani Remulla sa kaniyang Facebook post, Sabado, Agosto 13.

Binigyang-kredito niya na nagmula ang mga memes sa Facebook page na "Cavite Connect".

"Katuwaan lang po eto credits to CAVITE CONNECT ✌🏼" sey ng gobernador.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Matatandaang iminungkahi ni Senador Robin Padilla ang ropeway o aerial cable cars bilang tugon sa problema sa trapiko, lalo na sa Metro Manila.

Ginawa ng senador ang pahayag sa plenary session noong Martes, Agosto 9, matapos manawagan ni Senador JV Ejercito na pagbutihin ang railway system ng bansa.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/08/10/sen-padilla-iminungkahi-ang-cable-car-bilang-tugon-sa-problema-ng-trapik-sa-metro-manila/">https://balita.net.ph/2022/08/10/sen-padilla-iminungkahi-ang-cable-car-bilang-tugon-sa-problema-ng-trapik-sa-metro-manila/