Dinalaw ng direktor ng "VinCentiments" at pelikulang ""Maid in Malacañang" na si Darryl Yap ang alkalde ng Quezon City na si Mayor Joy Belmonte, para sa isang courtesy call, ngayong Hulyo 26.

Kaugnay ito ng premiere night ng pelikula na gaganapin sa SM North EDSA The Block sa QC, sa Hulyo 29. Agosto 3 naman ang aktuwal na playdate nito.

"The seal, the mayor, the director," saad sa caption ng Facebook post ng VinCentiments.

Ibinahagi rin ito sa opisyal na Facebook page ng "Viva Films" na nag-produce ng MIM.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"Makakabalik tayo."

"Magkita-kita tayo ngayong AUGUST 3 in cinemas nationwide! #MAIDinMALACAÑANG is written and directed by Darryl Yap," saad sa caption.

Matatandaang idineklarang "persona non grata" ang direktor pati na si Comedy Queen Ai Ai Delas Alas sa Quezon City, sa resolusyong inihain ni Quezon City District 4 Councilor Ivy Lagman, dahil umano sa pambabastos at paglapastangan sa Quezon City triangular seal sa campaign material na "Hon. Ligaya Del Monte" para kay Quezon City mayoral candidate Mike Defensor.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/06/08/qc-councilor-ivy-lagman-nagpaliwanag-sa-persona-non-grata-status-nina-ai-ai-darryl-direktor-may-tugon/">https://balita.net.ph/2022/06/08/qc-councilor-ivy-lagman-nagpaliwanag-sa-persona-non-grata-status-nina-ai-ai-darryl-direktor-may-tugon/

Hindi naman naidetalye kung ano ang napag-usapan ng dalawa, subalit batay sa mga larawan ay makikitang mukhang masaya naman silang dalawa, kahit na nakasuot ng face mask ang mayor at ang director-writer.