Inilabas na ng ABS-CBN ang kumpirmasyon ng muling pagbabalik ni Popstar Royalty Sarah Geronimo sa "ASAP Natin' 'To" matapos mapabalita nitong nakaraang linggo ang umano’y pag-oober-dabakod na ng singer sa GMA Network.

“The long wait is over.”

Ganito inilarawan ng official social media accounts ng ASAP Natin ‘To ang muling pagbabalik-telebisyon ni Sarah sa longest-running musical variety show ng Kapamilya Network.

“She’s back,” mababasa rin sa 15 segundong teaser at sunod na makikita ang nag-iisang Sarah G.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Nitong nakaraang linggo, matatandaan ang bali-balitang lilipat na ng network ang singer matapos umanong makuha na rin ng GMA ang prangkisa ng The Voice na siyang unang proyekto ni Sarah sa Kapuso network.

Ayon pa sa isang">ulatkamakailan na mula pa raw sa mismong assistant ni Sarah, umabot umano mula 600-M hanggang 800-M ang inilatag na halaga ng kontrata para sa premyadang artist sa loob lang ng limang taon, pinakamahal na offer umano ng GMA Network sa isang artist sa kasaysayan.

Sa kabila nito, hindi pa rin umano nabingwit ng dambuhalang network ang leading talent sa bansa.

Ngunit tuluyan na binasag ang mga ulat nang kumpirmahin ng Viva, ang talent agency ni Sarah, ang pagbabalik nito sa ASAP Natin ‘To stage.

Basahin: Sarah Geronimo, napabalitang tinanggihan ang tumataginting na 800-M exclusive contract sa GMA – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, bagaman hindi pa kasama sa anunsyo ang petsa ng pagbabalik ni Sarah G, excited na ang fans ng Kapamilya star na mahigit isang taon na ring hindi napanuod sa musical variety show.