TABUK CITY, Kalinga – Dahil sa sumbong ng asawang babae na may kalaguyo ang kanyang mister, nahuli sa akto ang dalawang lover habang nagsasagawa ng pot session sa San Juan, Tabuk City, Kalinga, noong umaga ng Hunyo 25.

Kinilala ang nadakip na si Jeovanie Castillo Collado, 30, kasal, driver at residente ng San Juan, Tabuk City, Kalingaat kasama nitong si Rizza Duli Agosto, 28, single, unemployed at residente ng Magsaysay, Tabuk City, Kalinga.

Ayon sa Tabuk City Police Station rumesponde ang intelligence operatives sa pangunguna ni Lt.Dalmacio Mangigil sa iniulat na concubinage ng asawa ng suspek na si Emy Jane Lim Collado, 33, ng San Juan, Tabuk Lungsod, Kalinga.

Nadatnan ng pulisya ang dalawa habang nagsasagawa ng pot session dakong alas 9:05 ng umaga at nahulihan 12 plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance ng pinaghihinalaang shabu at may timbang na 5.00 grams na nagkakahalagang humigit-kumulang P34,000

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Narekober din sa mga suspek ang isang weighing scale, limang used lighters, plastic heat sealer, isang roll foil, isang maliit na surgical scissor, plastic bag na naglalamang ng used foil at improvised tooter.