TABUK CITY, Kalinga – Muling nagsagawa ng tatlong-araw na malawakang marijuana eradication ang pulisya sa mga plantasyon sa mga kabundukan Barangay Loccong at Bugnay, Tinglayan, Kalinga, na nag-resulta ng pagsunog ng nasa kabuuang ₱19.5 milyong halaga ng marijuana plants.

Ang operation na tinawag na Oplan Gunnhild ay isinagawa noong Hunyo 14-16 ng magkasanib na tauhan ng Special Operations Unit 2, PNP DEG (Lead Unit), Tinglayan Municipal Police Station, Regional Mobile Force Battalion Police Regional Office Cordillera,1503rd Company at PNP Special Action Force, 2nd Company Kalinga Provincial Mobile Force Company, noong Hunyo 14-16

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Sinabi ni Col. Peter Tagtag, Jr., sa magkakahiwalay na operation, limang plantation site ang nadiskubre sa Barangay Loccong, samantalang isa naman sa Barangay Bugnay

Sa unang site ay pinagbubunot ang 500 piraso ng fully grown marijuana plants (FGMP) na may halagang₱1,000,000; 2,500 pcs of FGMP) sa ikalawang site na may halagang₱500,000.00.

Sa Site 3 at 4, may 15,000 pirasong tanim na marijuana ang binunot na may kabuuang halagang₱3,000,000.00, samantalang sa ikalimang site ay may 45,000 pirasong tanim ng marijuana ang nabunot na may halagang P9,000,000 at 30,000 marijuana plants naman sa Barangay Bugnay na may halagang₱6,000,000.

Ayon kay Tagtag, sa kabuuan ay umabot sa 97,500 praso ng FGMP ang binunot at sinunog sa lugar na may Standard Drug Price na₱19,500,000 mula sa may pinag-taniman na 9,750 square meters land.