Magsasagawa ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng reblocking at repairs sa ilang kalsada sa Metro Manila ngayong weekend.

Sa inilabas na traffic advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), dakong alas-11:00 ng gabi ng Biyernes, Mayo 20 uumpisahan ng DPWH ang pagkukumpuni nito sa mga sumusunod na lugar:

EDSA Santolan San Juan City innermost lane (bus way) Southbound magmula sa Santolan-Annapolis MRT Station hanggang V.V. Soliven Driveway;

EDSA Quezon City NB/ EDSA Quezon City SB paglampas ng P. Tuazon (Service Road) katabi ng sidewalk, harapan ng Cubao Farmers 2nd lane ng bus lane, bago at pagkatapos ng Kamuning Road 2nd lane buhat sa sidewalk at EDSA Southbound panulukan ng  Arayat sa tabi ng center island Quezon City;

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

C-5 Road NB (1st lane) paglampas ng Mckinley Road Makati City; at C-5 Road SB (2nd lane) Makati City.

Bukod dito, isasaayosdin ang Mindanao Avenue SB Quezon City BJMP hanggang Congressional Ave. (2nd lane/ truck lane);

Tandang Sora Ave. Quezon City Visayas Avenue hanggang San Miguel St.;

Times Street Quezon City kanto ng West Ave. harapan ng Kowloon House;

EDSA SB Quezon City Service Road 1st lane sa South Ave. intersection at 1st lane mula sa sidewalk kanto ng South Ave. hanggang Kamuning Road;

C.P. Garcia Avenue Quezon City harapan ng U.P. Ayala TBI (1st at 2nd block buhat sa sidewalk);

at C-5 Road Pasig City sa Pasig Blvd. Southbound harapan ng Botikang Pinoy at sa Doña Julia Vargas Westbound malapit sa Sitel building.

Ang mga apektadong kalsada ay bubuksan sa mga motorista sa Lunes, Mayo 23, sa ganap na alas-5:00 ng madaling araw.

Pinapayuhan ng MMDA ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala.