Dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero ngayong Semana Santa, nagsagawa ng inspeksyon ang mga opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Transportation (DOTr) at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) nitong Lunes, Abril 11.

Kasama ni MMDA chairman Romando Artes na umikot sa lugar ang mga kinatawan ng DOTr at LTFRB kung saan naobserbahan ng mga ito ang pagdagsa ng mga pasahero dakong 9:00 ng umaga.

“We want to ensure a safe and convenient movement of motorists and commuters during the Holy Week. We have seen that passengers are starting to crowd the terminal. At present, the commuter volume at PITX is 100,000 daily,” ayon sa opisyal ng MMDA.

Ipinaliwanag ni Artes,nakapuwesto na ngayon ang mga traffic personnel sa transport terminals, potential traffic chokepoint areas sa EDSA upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Nanawagan din ang mga awtoridad sa mga pasahero na pairalin pa rin ang safety athealth protocols upang mapigilan ang paglaganap ng Covid-19, lalo na ngayong Mahal na Araw.