Pikit-mata lamang si Patrido Reporma standard-bearer Sen. Panfilo "Ping" Lacson sa pinakabagong resulta ng survey ng poll na nagpapakitang nahuhuli siya sa ibang mga kandidato.
Giit ni Lacson, ang mga survey ay hindi halalan, na siya namang magtatakda kung sino ang maluluklok bilang pangulo.
"Surveys are not elections. Last time I heard, election is on May 9. I’m not bothered at all simply because the numbers I feel on the ground are different from what the surveys indicate," pahayag ni Lacson.
Gayunman, sinabi ni Lacson na naguguluhan siya kung bakit mababa pa rin ang kanyang bilang sa mga survey sa kabila ng mahusay na pagganap sa mga presidential forum at mga panayam.
Aniya, "After the presidential interviews and forums, I thought I should gain instead of losing support. Having said all that, I will continue this fight all the way to Election Day."
Ang mga resulta ng poll ng Pulse Asia, na isinagawa mula Pebrero 18 hanggang 23, ay nagpakita ng frontrunner, si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nakakuha ng 60%, sinundan ni Vice President Leni Robredo na may 15%, Isko Moreno na may 10%, si Sen. Manny Pacquiao na may walong porsyento, at Lacson na may dalawang porsyento — bumaba sa dating 4apat na porsyento.
Nauna nang sinabi ni Lacson na kagustuhan ng mga tao sa pamamagitan ng kanilang mga boto, hindi pre-election surveys, ang magdedetermina kung sino ang mamumuno sa bansa sa susunod na anim na taon.