Wala na yatang Pinoy na hindi nakakakilala sa vice presidential aspirant at Davao City Mayor Sara Zimmerman Duterte, o Inday Sara sa marami. Nakagawa na siya ng pangalan bago pa man naging presidente ng bansa ang kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte. Sa katunayan, naakit na nya ang mga Pilipino, na pinatunayan ng pinakabagong survey ng Pulse Asia na inilabas noong December 2021, na nagpapakitang 45 percent ng mga tinanong ang pumipili sa kanya bilang kanilang vice presidential bet para sa 2022 elections.
Ang tatak ng pamumuno ni Mayor Sara — matapang pero may puso — ang nagpalapit sa kanya sa mga taga-Davao City, gayundin sa iba pang bahagi ng bansa.
Habang siya ay vice mayor ng lungsod noong 2007, ang kanyang unang tungkulin sa pulitika ay ang paglunsad ng landmark project na, "Inday Para sa Barangay," na ang layunin ay tiyakin na ang mga serbisyo ng pamahalaang lungsod ay makakarating sa lahat ng mga barangay nito, kabilang ang mga malalayong lugar.
Nagpapatupad sya ng maraming mga project na sumasaklaw sa lahat ng sektor ng lipunan. Ang ilan sa mga ito ay sumasalamin sa mga advocacy na pinakamalapit sa kanyang puso — kapayapaan, kababaihan at mga bata, at inclusivity.
Ang kanyang Peace 911 ay isang comprehensive peace-building at development initiative na nagpatatag sa Paquibato District in Davao City na dating conflict-affected area; habang ang kanyang Pagbabago Campaign ay isang two-pronged approach sa paglutas ng sanga-sangang problemang dulot ng kahirapan, edukasyon ng mga bata, at responsableng pagpapamilya. Sa Pagbabago Campaign, nagbibigay si Mayor Sara ng mga school bag sa mga bata sa komunidad na naglalaman ng mga babasahin tungkol sa kahalagahan ng edukasyon at responsableng pagpapamilya. Ito ang kanyang simpleng paraan para gamitin ang kanyang boses at impluwensya upang maialis ang mga pamilya sa kahirapan.
Samantala, upang makatulong na matigil ang pang-aabuso sa mga bata, inilunsad ni Mayor Sara ang Kean Gabriel Hotline, kung saan pwedeng mag-report ng child neglect and abuse sa mga awtoridad upang sila ay masaklolohan.
Itinatag din niya ang Magnegosyo Ta ‘Day (MTD), isang project na naghihikayat sa mga kababaihan na maging negosyante. Ang tagumpay nito ay nagbigay-daan sa pagtatag ng Rainbow Magnegosyo Ta ‘Day, na sumusuporta naman sa entrepreneurship ng mga Lesbian, Gay, Bisexual and Transsexual (LGBT) sa komunidad.
Sa ilalim ng kanyang pamumuno, ang Davao City ay naging isang premier city hindi lamang sa Mindanao kundi maging sa buong bansa. Ang kanyang mga nagawa ay hindi lamang para sa Davao City, kundi para sa buong Region XI.
Sa pamumuno niya, ang Davao City ay nagkamit ng 36 na parangal sa loob ng maikling panahon mula 2011 hanggang 2013. Kabilang dito ang mga pagkilala para sa maayos na pamamahala, negosyo, turismo, kalusugan, kapaligiran, fiscal management, transparency, at iba pa.
Samantala, sa regional level, itinalaga siya noon ni Pangulong Benigno Aquino Jr. bilang chairperson ng Regional Development Council (RDC) ng Region XI, at napili rin siya bilang NEDA Board-Regional Development Committee-Mindanao Area Committee (NB-RDCom-MAC) chairperson. Sa buong unang buong taon nyang chairperson ng RDC, lumago ang Gross Regional Domestic Product ng Davao Region mula 3.9 percent noong 2011 sa 7.1 percent noong 2012.
Pagkatapos unang term nya bilang mayor, nagpahinga sya ng tatlong taon sa pulitika; pagkatapos ay muling nanalong na mayor noong 2016, at muli noong 2019. Ipinagpatuloy ni Mayor Sara ang transformational leadership, pagkamit ng kapayapaan at pag-unlad sa kanyang administrasyon.
Sa pagitan ng 2017 at 2021, nakatanggap ang Davao City ng 117 awards, citation, at recognition, kabilang ang isa sa 2021 Top 10 Richest Cities of the Philippines ng Commission on Audit (COA), at ang 4th Most Competitive Highly Urbanized City noong 2021 ng Department. of Trade and Industry (DTI).
Noong 2021, sa gitna ng health crisis dahil sa COVID-19, napili si Mayor Sara bilang Top Performing Mayor ng Pilipinas (para sa mga lungsod sa labas ng Metro Manila), na may rating na 93 percent, base sa isang independent and non-commissioned survey ng RP- Mission and Development Foundation Inc. (RPMDinc).
Ipinakita rin ng mga komunidad sa iba't ibang bahagi ng bansa ang kanilang pagpapahalaga kay Mayor Sara at sa kanyang mga advocacies. Siya ay isang adopted member ng Davao City's Ata tribe ar pinangalanan siyang Biyo Simolun. Itinuring syang adopted daughter ng tribong Tinguian sa probinsya ng Abra at pinangalanang Dulimaman, na hinango sa matapang na bidang babe sa epic ng tribo na Wadagan ken Dulimaman. Isa rin siyang adopted daughter ng probinsya ng Camarines Sur at ng Tangub City. Napatunayan ni Mayor Sara kung gaano niya pinahahalagahan ang mandato ng bayan.
Kung titingnan ang mga tagumpay na nakamit ng Davao City sa mga nakaraang taon, malinaw na ipinakita ni Mayor Sara ang matatag na pamumuno at ibinigay ang kanyang commitment sa whole-of-government approach upang mapaglingkuran ang mga tao.