Pinangalanan ni Pangulong Duterte si dating Cabinet Secretary Karlo Nograles bilang bagong chairman ng Civil Service Commission (CSC) dahilan para maiwang bakante ang kanyang tatlong puwesto sa Malacañang, kabilang ang posisyon ng presidential spokesperson.

Ang appointment ni Nograles ay nakumpirma isang buwan kasunod ng pagreretiro ni Alicia dela Rosa-Bala bilang CSC chairperson.

Iniulat ang appointment ni Nograles nitong Lunes ng umaga, Marso 7, ngunit hindi ito kinumpirma ng Malacañang.

Nakumpirma lamang ito nang si Pangulong Duterte ang nanguna sa panunumpa ni Nograles sa kanyang bagong post nitong Lunes ng gabi.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

https://twitter.com/argyllcyrus_MB/status/1500792270362398720?ref_src=twsrc%5Etfw%7Ctwcamp%5Etweetembed%7Ctwterm%5E1500792270362398720%7Ctwgr%5E%7Ctwcon%5Es1_&ref_url=https%3A%2F%2Fmb.com.ph%2F2022%2F03%2F07%2Fkarlo-nograles-is-new-civil-service-commission-chair%2F

Isang video ng oath-taking ni Nograles ang na-upload sa Facebook page ng Radio Television Malacañang (RTVM). Batay sa caption, hinirang si Nograles bilang Ad Interim Chairman ng CSC.

Sa isang text message, sinabi ni Nograles na epektibo niyang nabakante ang kanyang tatlong puwesto sa Malacañang sa kanyang appointment.

Bago siya lumipat sa CSC, si Nograles ay Cabinet Secretary mula noong Nobyembre 2018. Nagsilbi rin siya bilang co-chairperson ng Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Noong Oktubre ng nakaraang taon, itinalaga siya ni Pangulong Duterte na maging tagapagsalita ng Palasyo kasunod ng pagbibitiw ni Harry Roque, na naghahanap ng puwesto sa Senado sa 2022 elections.

Sa bagong appointment ni Nograles, naiwan ang Malacañang na walang Cabinet Secretary at tagapagsalita.

Sa isang text message, sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar na ia-anunsyo ni Pangulong Duterte kung sino ang magiging ikalimang tagapagsalita ng Malacañang.

“Will wait for PRRD’s announcement,” aniya. 

Argyll Cyrus Geducos